Nakatutok na ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa galaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa sa harap ng banta ng Super Typhoon (ST) Mawar.
Ayon kay DTI-Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo, tututukan nila ang mga presyo ng mga bilihin sa mga lugar na lubhang maapektuhan ng kalamidad.
Pinatitiyak naman ng DTI sa mga retail at manufacturer na sapat ang kanilang suplay ng mga prpdukto lalo na ngayong may paparating na malakas na bagyo.
Ngayong araw ay nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) kasama ang ilang local officials sa tatlong supermarket sa QC upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa Suggested Retail Price (SRP).
Facebook Comments