Aaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ilang hiling ng pagtataas presyo sa ilang produkto.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DTI Usec. Ruth Castello na isinasapinal na nila ang ginagawang pag-aaral sa ilang natanggap na price hike petitions mula sa manufacturers.
Kabilang aniya sa mga humihiling ng price adjustments ay sa canned meat, noodles, tinapay, kape at gatas.
Ayon kay Castello na hindi lahat ng hirit ay mapagbibigyan, dahil may maaaprubahan, may madi-deny.
Paliwanag ni Castelo, mayroon kasing mga produkto na tumaas ang presyo ng raw materials dahil karamihan ay imported kasama pa ang pagtaas ng logistics at distribution cost nito.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Castello na sa kasalukuyan, umiiral pa rin ang suggested retail price o SRP na kanilang ipinalabas nitong May 11 sa grocery stores at supermarkets.