Nakipag-ugnayan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa US-APEC o isang kilalang grupo sa sideline ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) 2023.
Dito nakatuon ang mga oportunidad sa kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng US at Pilipinas na inaasahang magpapalakas sa paglago ng ekonomiya at pagsisikap ng pagpapalawak ng bansa.
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual ang agarang reauthorization ng US Generalized System of Preferences (US GSP) ay matatag na daan ng kalakalan ng Pilipinas para sa mga kumpanyang nagluluwas sa merkado ng US.
Dagdag pa ng kalihim na mag-uudyok ng mas maraming pamumuhunan, bubuo ng mga trabaho, at magsusulong ng pag-unlad ng mga kasanayan ang nasabing partnership.
Samantala, nagpasalamat naman ang ahensiya sa mga nagpakita ng suporta sa nasabing trade agreement.