Limamput limang mga sari sari store owners, canteen at bigasan owners at isang nagmamay-ari ng bakery mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Lingayen ang nakatanggap livelihood kits mula sa Department of Trade and Industry.
Ang naturang pamamahagi ay pinangunahan ng DTI katuwang ang Municipal Social Welfare and DeVelopment Office (MSWDO) Lingayen.
Sa seremonyang ginanap, ibinahagi ng DTI ang kanilang programang `Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa’ na naglalayong mabigyan ng livelihood kits ang mga maliliit na negosyante na lubos na naapektuhan ng pandemya.
Ang naturang tanggapan ay naniniwala na makakatulong ito para makapagsimulang muli ang mga nabanggit na negosyante ng kanilang kabuhayan lalo na umano ang mga nakaranas ng pagkalugi simula nang ipatupad ang quarantine sa bansa.
Kabilang sa mga natanggap ng mga benepisyaryo ay sari-sari store kit, bigasan kit, canteen kit, at bakery kit.
Tiniyak naman ng DTI Pangasinan na ang mga nabigyan ng livelihood kits ay mga negosyanteng rehistrado sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng munisipalidad at hindi nakatanggap ng amelioration o anumang assistance mula sa DOLE at DSWD. |ifmnews
Facebook Comments