DTI, nilagdaan na ang IRR ng One Time – One Product bilang suporta sa lokal na produkto ng bansa

Nilagdaan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng One Time – One Product na ganap ng naging batas Pilipinas.

Layon umano nito na mas bigyan ng prayoridad ang mga produkto ng bawat bayan at lungsod sa bansa.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, magbibigay daan umano ang naturang batas upang mapalago pa ang mga industriyang pangunahing tinututukan ay ang mga produkto ng bawat lokal na pamahalaan.


Dagdag pa ni Pascual, mapapatibay ng naturang batas upang masuportahan din ang mga medium and small enterprises at mas makilala ang mga ipinagmamalaking produkto ng bansa.

Samantala, inaasahan din ng ahensya na mas makikilala na ang mga ipinagmamalaking produkto ng bawat lugar sa bansa hindi lamang sa Pilipinas maging sa international market.

Facebook Comments