Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na bagamat hindi mandatory ang pagkakaroon ng mga establisyimento ng “safety seal”, mainam pa rin ito sa mga negosyong bukas sa harap ng public health crisis.
Ayon kay DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte, hinihikayat pa rin nila ang mga establishment na kumuha nito dahil nagpapahiwatig ito sa publiko na sumusunod sila sa COVID-19 health protocols.
Ang safety seal ay pwedeng makuna sa ilalim ng safety seal certification program.
Binigyang diin ng DOH, ‘voluntary’ lamang ang pag-a-apply para sa safety seal.
Sa ngayon, iniinspeksyon na ng technical working group ang mga establisyimentong nag-apply para sa safety seal.
Facebook Comments