DTI: Pagdedeklara ng ‘national rice emergency’, hindi pa napapanahon

Iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi pa napapanahon ang pagdedeklara ng ‘national rice emergency’.

Ayon kay Trade Sec. Alfredo Pascual, tataas ang produksyon ng bigas sa bansa bago ang katapusan ng Oktubre.

Aniya, sa pagsisimula ng anihan ng palay ay tiyak naman ang pagbaba ng presyo ng bigas sa bansa.


Iginiit pa ng kalihim na naging epektibo ang pagpapatupad ng price cap para matulungan ang consumers.

Sa ngayon, patuloy ang pagbibigay ng gobyerno ng subsidiya sa rice retailers.

Facebook Comments