DTI, pagdedesisyunan ngayong linggo kung papatawan ng SRP ang gadgets

Magpapasya ngayong linggo ang Department of Trade and Industry (DTI) kung papatawan ng Suggested Retail Price (SRP) ang mga gadget tulad ng laptops.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, kasalukuyang pinag-aaralan ng Consumer Protection Group na pinangungunahan ni Undersecretary Ruth Castelo kung maaaring maglagay ng price cap sa mga gadget.

Aminado si Lopez na may alinlangan sila sa paglalagay ng SRP sa mga gadget dahil iba-iba ang features nito, performance at power.


Maaari aniya maglagay ng SRP sa basic features ng gadget.

Napansin din ng kalihim na depende rin ang presyo ng gadget sa brand nito.

Nabatid na tumaas ang demand ng gadgets mula nang ipatupad ang work-from-home scheme at blended learning.

Facebook Comments