Ininspeksyon ng Department of Trade and Industry Pangasinan ang presyo ng mga school supplies sa ilang pamilihan sa lalawigan ngayong nalalapit na muli ang simula ng pasukan.
Tiniyak na sapat ang school supplies na mabibili sa pamilihan at angkop ang presyo para sa mga mamimili.
Inihayag naman ng ilang store managers na maaga nang kumuha ng karagdagang school supplies dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili ngayong buwan.
Binigyang diin ng tanggapan na dapat naaayon pa rin sa suggested retail price o SRP ang presyo ng mga produkto upang matiyak na abot kaya ng mga konsyumer.
Samantala, nakatakdang magsimula ang bagong school year sa June 15 ayon sa Department of Education (DepEd).| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments