Dagupan City – Binalaan ng Department of Trade and Industry Pangasinan ang mga retailers ukol sa pagbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad sa lalawigan bilang pakikiisa sa Eskwela ban sa sigarilyo ng Department of Education.
Ayon kay Natalia Dalaten, officer in charge, provincial director ng DTI Pangasinan, mahigpit umanong pinagbabawal ang pagbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad alinsunod sa Republic Act 9211 o mas kilala bilang Tobacco Regulation Act of 2003.
Dagdag nito na ipinagbabawal din ang pagbebenta ng sigarilyo sa pagitan ng 100 meters sa mga paaralan, public playground at mga pasilidad na madalas puntahan ng mga kabataan. Samantala, ang sinomang lalabag sa R.A 9211 ay maaring makulong o magbayad ng 100, 000.
Facebook Comments