Muling nagbabala ang Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan sa mga Pangasinense kaugnay sa pag iingat sa pagbili ng mga Christmas Lights.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, importante dito ay matiyak ng ating mga kababayan na ligtas ito sa pag gamit lalong lalo na at uso na ang pailaw.
Sa mga lokal na gawa sa Pilipinas aniya ay dapat na macheck kung may Philippine Standard Quality o kaya naman ay Import Commodity Clearance pag galing naman sa ibang bansa.
Sa ngayon ay inaasahan na aniya na madami na ang mamimili ng mga pailaw lalo pa at ilang linggo na lang ang pasko kung kaya’t mainam na tiyakin ng mga mamimili ang kanilang kaligtasan bago bilhin ang isang produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments