Naghahanda na din ang hanay ng Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan sakaling magbaba ng kautusan ang kanilang Higher Office kaugnay sa pagkumpiska sa mga laruang Lato-Lato na hindi pasado sa standards.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, Naghihintay sila aniya ng kautusan mula sa National Office kung paano ang magiging sistema ng pag enforce ng kautusan sa mga nagbebenta ng Lato-Lato.
Sa ngayon aniya ay ang tanging magagawa ng DTI ay imonitor ang mga pwesto na nagbebenta kung registered ba ang mga ito.
Kailangan din nila aniya ng tulong ng Department of Health dahil walang kakayahan ang DTI na magsabi kung kontaminado nga ba ang isang produkto gaya ng Lato-Lato o hindi.
Nagbabala naman ito sa mga Retailers na mapatunayang lumalabag kung saan ay pagmumultahin ang mga ito ng hanggang 50k Pisos o kaya naman ay pagkakakulong ng hanggang dalawang taon depende na sa utos ng korte. |ifmnews
Facebook Comments