Mahigit isang buwan nalang magpapasko na kung saan nagpaalala ang Department of Trade and Industry Pangasinan sa publiko na maging maingat sa pagbili ng Christmas lights.
Ayon kay DTI Provincial Director Natalia Dalaten, kailangang tignan ang dekalidad ng mga bibilhing christmas lights upang maiwasan ang sunog.
Aniya, ugaliin din ang paghahanap ng Import Commodity Clearance (ICC) stickers o Philippine Standards upang masigurong ang mga produkto ay dumaan sa standards technical regulations at iba pang assessment.
Samantala, binabantayan na rin ng DTI Pangasinan ang presyo ng mga produktong pang noche buena sa mga mall at palengke sa lalawigan. ###
Facebook Comments