DTI PANGASINAN, NAGPAALALA SA PUBLIKO SA PAGGAMIT NG ONLINE TRANSACTIONS NA MAAARING MAGING BIKTIMA NG SCAMMERS

Nagpaalalang muli ang pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan sa publiko na maging maingat sa paggamit ng Digital Financial Services o Technology upang maiwasang mabiktima ng pandaraya maging ng scams.
Sinabi ni DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, sa pagtaas ng bilang ng mga mamimili na gumagamit ng digital financial services at online platforms, hinihikayat nito na maging maingat sa paggamit ng online platform at gamitin ang karapatan para sa kanilang kaligtasan.
Dagdag ni Dalaten na pinahusay ng mga digital financial services sa publiko at konsyumers ang consumers experience sa pamamagitan ng iba’t ibang mga serbisyo ngunit sinabi nito na malaki ang pagkakataon na mabiktima ng scammers kung hindi magiging matalinong consumers.

Kailangan umanong tandan na kung maaari ay gumamit ng mga passwords na mahirap hulaan, tignang mabuti ang mga websites, ang mga tindahan at kailangan ding tignan at magkaroon ng record sa bawat transaksyons. | ifmnews
Facebook Comments