Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang lahat ng may-ari ng negosyo sa Pangasinan na sumunod sa fair-trade laws habang pinaiigting ng ahensya ang inspeksyon at monitoring sa mga business establishment sa lalawigan.
Nagbabala si DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten sa mga business establishment sa lalawigan na sumunod sa fair trade laws na ipinatupad ng ahensya upang maiwasang maparusahan at sumailalim sa mahigpit na proseso ng adjudication proceedings.
Matatandaang sinabi ni Dalaten noong 2022, ang monitoring at inspection team ng DTI Pangasinan ay nakapag-inspeksyon ng kabuuang 3,063 business establishments sa lalawigan na binubuo ng 1,799 grocery stores at supermarkets, at 1,264 hardware stores, appliances at auto supply stores.
Sa naging inspeksyon at monitoring ng ahensya, 18 business owners ang nabigyan ng notice of violation at pito ang na-issuehan ng show cause orders na nagresulta sa 99.4% compliance rate ng business establishments sa probinsya.
Sinabi niya rin sa 18 non-compliant firms, tatlo ang kinasuhan sa ilalim ng Presidential Decree No. 1572 na kilala rin bilang Accreditation Law, isa sa ilalim ng Business Name Law at isa para sa Price Tag Law, at 13 firms ang kinasuhan sa ilalim ng Standards Law at Republic Act 4109.

Facebook Comments