
Sinimulan na ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang pag-inspeksyon sa mga pangunahing pamilihan sa lalawigan upang matiyak na sumusunod sa itinakdang presyo ang mga produkto ngayong papalapit ang kapaskuhan.
Ayon kay DTI Pangasinan Director Natalia Dalaten, nagsimula ang kanilang monitoring noong Setyembre 30 upang mabantayan ang presyo ng mga noche buena items ilang buwan bago ang Pasko.
Isinasagawa ang aktibidad alinsunod sa Department Order No. 20-86, Series of 2020, o ang “Guidelines for the Conduct of Price and Supply Monitoring of Basic Necessities and Prime Commodities”.
Layunin ng DTI na mapanatiling abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin at protektahan ang mga mamimili laban sa labis na pagtaas ng presyo ngayong holiday season.









