DTI, pansamantalang ipinatigil ang operasyon ng isang food plaza sa Las Pinas na pawang mga chinese ang naka-pwesto

Pansamantalang ipinatigil ng Department of Trade and Industry ang operasyon ng isang food plaza sa Las Pinas matapos itong makitaan ng ilang paglabag.

 

Nabatid na nagsagawa ng inspeksyon ang DTI sa nasabing lugar kung saan pawang mga Chinese stall ang mga naka-pwesto doon bukod pa sa staff nito na pawang mga Chinese nationals din.

 

Nang magpakilala ang mga taga-DTI, Ilan sa mga nagtatrabaho dito ay nakatakbo habang ang iba naman na nakorner ay ipapasuri sa Department of Labor and Employment at Bureau of Immigration ang mga working permit ng mga ito.


 

Nais din malaman ni Trade Secretary Ramon Lopez ang business permit sa lokal na pamahalaan ng Las Pinas dahil napag-alaman na isa lamang ang permit nito pero nasa tatlumpung stall ang nakatayo dito.

 

Sinita din ng DTI ang mga resibong iniisyu dito dahil pawang mga Chinese characters ang nakasulat bukod pa sa mga exotic food at ang kalinisan ng nasabing food plaza.

Facebook Comments