Walang magaganap na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Ito ang paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Department of Trade and Industry (DTI) batay sa Republic Act 7581 o ang Price Act.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang sa mga lugar na nakataas at dapat na ipatupad ang price freeze ay sa Batangas, Cavite, Catanduanes, Mindoro, Palawan, at Camarines Provinces, at maging sa Marikina City.
Aniya, magtatagal ang price freeze sa loob ng 60 araw.
Facebook Comments