DTI, pinabulaanan sa Kamara ang pagdagsa ng mga tao sa malls nitong weekend

Mariing itinanggi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na walang katotohanan na dumagsa ang mga tao sa malls nitong weekend kasunod ng pag-lift ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa buong National Capital Region (NCR).

Sa virtual hearing ng Defeat COVID-19 Adhoc Committee-New Normal Cluster, sinabi ni Lopez sa mga kongresista na “fake news” ang ulat na dumami ang mga taong lumabas ng tahanan na nagpunta sa malls.

Aniya, ito ay malinaw na pag-discredit sa efforts ng gobyerno sa gitna ng COVID-19 crisis.


Sa katunayan aniya, 20% lamang ng mga tao ang pumunta ng mga mall nitong Sabado at Linggo kumpara sa nakasanayan na bilang ng mga tao na pumupunta ng malls bago pa man magkaroon ng pandemya.

Maliban dito, 20% lamang din ang mga nagbukas na tindahan sa mga mall kasama na rito ang mga supermarket, botika, ilang boutiques o stores at mga restaurants na para lamang sa take-out at delivery services.

Tiniyak naman ni Lopez ang mahigpit na pagpapatupad at monitoring ng ‘new normal’ sa mga establisyimento ngayong niluwagan ang restrictions sa ilalim ng MEC

Facebook Comments