Pinag-aaralan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang posibilidad na bawiin ang memorandum circular na naglilimita sa pabenta at pagbili ng ilang basic commodities.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, “very stable” na ang presyo at supply ng mga pangunahing bilihin.
Aniya, nakakatanggap na sila ng requests mula sa iba’t ibang manufacturers at retailers na bawiin na ang anti-hoarding at anti-panic buying memorandum circular.
Sinabi ni Castelo na sinisilip pa ni Secretary Ramon Lopez ito.
Nabatid na inilabas ng DTI ang memorandum circular nitong March 19 na layong maiwasan ang hoarding at panic buying sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Facebook Comments