DTI, pinag-aaralang bawiin ang purchase restrictions

Sinisilip na ng Department of Trade and Industry (DTI) na bawiin ang purchase restrictions o paglilimita sa mga consumer sa binibili nitong mga produkto.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang supply ng pagkain at iba pang basic goods ay nag-stabilize na.

Aniya, maraming food manufacturers at ibang kumpanya ang pinayagang magbalik operasyon bunsod ng pinagaang quarantine measures.


Sinabi ni Lopez na mayroong imbentaryo ang bansa ng finished goods para sa dalawang araw,  habang ang supply ng raw materials ay sapat para sa loob ng dalawang buwan.

Iginiit ng kalihim na walang dahilan para mag-panic buying dahil malayong magkaroon ng shortage.

Nabatid nitong Marso, ipinatupad ng DTI ang purchasing limits sa ilang produkto tulad ng gatas, instant noodles, sardinas, kape, tinapay, at sa ilang non-food items gaya ng alcohol, disinfecting liquids, hand sanitizer, sabon, toilet paper at face masks.

Facebook Comments