Manila, Philippines – Pinag-iingat ngayon ng Department Trade and Industry (DTI) ang publiko sa pagbili ng mga panregalo ngayon panahon ng Christmas Season sa mga Online Shop o Internet.
Ayon sa DTI, bago bumili ng produkto ay magbasa muna ng mga review o forum sa Internet tungkol dito para malaman ang mga positibo at negatibong opinyon hinggil dito.
Payo ng ahensiya huwag agad namaakit sa mga larawang nakapaskil sa website o Internet dahil hindi lahat ng nakikita sa Online Shop ay kasing ganda sa aktwal na produkto.
Mas maganda ring gawin kung cash on delivery ang pagbabayad kaysa sa credit card para masuri o ma-check ang biniling produkto bago bayaran.
Paliwanag ng DTI bukod sa warranty ay mas magandang tingnan o suriin din kung may product return policy ang produkto para kung magka-problema ay madali itong maibalik, maipaayos o mai-refund.
Payo pa ng DTI na maging alisto ngayon panahon ng kapaskuhan dahil sa ganitong panahon ay maraming manloloko.