DTI, pinakikilos laban sa mga abusadong franchisors ngayong pandemic

Pinakikilos ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong ang Department of Trade and Industry (DTI) para pahintuin ang mga pang-aabuso ng mga franchisors sa kanilang mga franchisees.

Kasabay ng apela ni Ong ang pagkundena nito sa ginagawa ng mga franchisors na patuloy na paniningil sa mga franchisees kahit pa matinding naapektuhan ang mga ito ng pandemya.

Tinukoy ni Ong ang isang fitness club chain na pinamamahalaan at pinatatakbo ng franchise agreements kung saan pinupwersa ng franchisor na patuloy na magbayad sa kanilang mga franchise fees ang mga negosyo sa kabila ng matinding pagkalugi.


Ilang franchisees na ng fitness chain ang lumapit sa kanya para humingi ng tulong dahil hindi man lang sila binigyan ng pagkakataon na makabawi sa mga nawalang kita matapos na magsara nang ideklara ang nationwide community quarantine.

Maliban pa rito ay ilang franchisees na rin ang gustong magsara ng negosyo dahil hindi na kayang ipagpatuloy ang operasyon subalit ang mga ito ay inoobliga pa rin ng franchisor na magbayad ng buo sa kanilang franchise fees.

Batay sa mga franchisees ng fitness club chain, bago ang pandemic ay nagbabayad sila ng ₱250,000 hanggang ₱300,000 kada buwan pero simula July ay pinagbabayad na sila ng 50% o ₱125,000 hanggang ₱150,000 kada buwan gayong hindi nila ito kakayanin dahil 30% lamang ang capacity na pinapayagan sa mga fitness clubs ngayon.

Facebook Comments