DTI, pormal nang naghain ng reklamo laban sa Shopee

Naghain na ng reklamo ang Department of Trade and Industry (DTI) laban sa online shopping platform na Shopee Philippines.

Ito ay dahil sa pagbabago ng mechanics para sa meet-and-greet event nito sa Kpop girl group na Blackpink na walang approval mula sa ahensya.

Ayon kay DTI Fair Trade Enforcement Bureau Director Ronnel Abrenica – umabot na sa 148 reklamo ang kanilang natatangap laban sa Shopee mula sa mga nadismayang customer na napangakuang makakasali sa meet-and-greet event.


Nagsasagawa na rin sila ng evaluation para malaman kung lehitimo ang mga aktibidad.

Habang umuusad ang adjudication, ang DTI at Shopee ay maaaring iprisinta ang kanilang mga ebidensya.

Posibleng pagmultahin ang Shopee ng 300,000 pesos sakaling lumabag sila sa implementing rules ng Consumer Act.

Facebook Comments