
Cauayan City – Magsasanib puwersa ang Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Region 2 para sa proteksyon ng mga mamimimili.
Layunin ng pulong na tukuyin ang mga posibleng pagtutulungan ng dalawang ahensya para sa kapakanan at kapangyarihan ng mga mamimili.
Pinangunahan ni DTI R2 Regional Director Ma. Sofia G. Narag, CESO V, si Atty. Angie U. Gumaru, Acting Division Chief ng Consumer Protection Division (CPD), ang talakayan ukol sa mga programang maaaring pagtulungan ng DTI at NICA.
Aniya, ang mahalagang papel ng NICA sa paglaban sa mga organisadong online scam at krimen na banta sa mga mamimili.
Lubos na ikinatuwa ng mga opisyal ng NICA Region 2 ang inisyatibong ito at kanilang pinuri ang layunin nitong pagtibayin ang ugnayan ng dalawang ahensya. Ayon sa kanila, mahalaga ang patuloy na kooperasyon upang mas mapalakas ang mga mekanismo para sa proteksyon ng publiko.
Ang nasabing inisyatibo ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas matibay na samahan ng DTI at NICA.









