DTI REGION 1, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN ANG PRESYO NG MGA SCHOOL SUPPLIES

Mahigpit na minomonitor ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 1 ang presyo ng mga school supplies, dalawang linggo bago ang pormal na pagbubukas ng klase.
Abala ang mga monitoring team ng DTI sa pag-iikot sa mga pangunahing lungsod sa rehiyon upang tiyakin na sumusunod ang mga tindahan sa itinakdang presyo at hindi inaabuso ang mga mamimili.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Dagupan kay DTI Region 1 Director Merlie Membrere, muli inilunsad ng tanggapan ang Diskwento Caravan bilang bahagi ng kanilang inisyatibo na maibsan ang gastusin ng mga magulang at estudyante ngayong pasukan.
Dagdag pa ni Membrere, “Centralized o isahan ang presyuhan ng mga school supplies na aming mahigpit na binabantayan upang mapanatili ang patas na kalakalan.”
Samantala, inilabas na rin ng DTI ang pinakabagong Price Guide para sa school supplies. Batay sa listahan, may ilang produkto na nanatili sa dating presyo, ngunit may ilan ding nagtala ng bahagyang pagtaas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments