CAUAYAN CITY – Nagsagawa ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ng IP Con ’24 katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) Region 2.
Sa nasabing aktibidad, nagkaroon ng paglagda ng kasunduan bilang pagpapatibay ng Intellectual Property sa buong Rehiyon Dos, ang DTI region 2 at Intellectual Property Office of the Philippines.
Layunin ng kasunduan na maprotektahan ang inobasyon ng mga Micro, small and medium enterprises (MSMEs) na nagiging daan upang mapaunlad ang ekonomiya sa buong Rehiyon.
Maliban pa rito, binigyang diin din ng ahensya ang hangaring makilala ang mga maliliit na business hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Facebook Comments