DTI Sec. Christina Roque, nanindigang kasya ang P500 para sa Noche Buena

Iginiit ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Christina Roque na kasya ang ₱500 para sa simpleng Noche Buena.

Depensa ito ni Roque matapos siyang ulanin ng batikos.

Ipinaliwanag din ni Roque na depende pa rin ang naturang halaga sa kung ilan ang pamilya na magsasalo-salo.

Aniya, ang P500 pang-Noche Buena sa Pasko ay para sa pamilyang may apat na miyembro.

Iginiit ng kalihim na pinagbatayan niya rito ay ang mismong Noche Buena price guide ng DTI na makikita sa kanilang social media accounts at website.

Tinukoy ng Kalihim ang:
Spaghetti noodles – ₱30
Spaghetti sauce – ₱48.50
Macaroni noodles – ₱40.95
Mayonnaise – ₱55
Cheese – ₱56.50

Habang ang Christmas ham aniya ay ₱170, ang pinoy pandesal na 10 piraso ay ₱27.75

Nagkakahalaga ang lahat ng ito ng ₱428.70.

Pwede rin aniya yan ito dagdagan ng fruit salad kung may budget pa kung saan ang:

Fruit cocktail – ₱61.75
All purpose cream – ₱36.50
at ang total ay ₱526.95.

Marami rin aniyang brand na pwedeng pagpilian ang publiko na pasok sa kanilang mga budget.

Facebook Comments