Manila, Philippines – Sinampahan sa Dept. of Justice ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ng kasong plunder si Trade Sec. Ramon Lopez at ang mga opisyal ng Hyundai Motors Corp., at Hyundai Resources Automotive Inc.,
Ang kaso ay isinampa mismo sa DOJ nina VACC Chairman Manuel Obedoza Jr. at Atty. Ferdinand Topacio.
Tinukoy ng grupo ni Topacio ang anilay nangyaring Plunder, Tehnical smuggling at estafa sa pagitan ng DTI Board of Investments na pinamununuan ni Lopez at ng mga opisyal ng Hyundai.
Partikular ang anilay pagpayag ng BOI na makapagpasok sa bansa ang Hyundai na Completely assembled na pero hindi nabayaran ang tamang buwis.
Ayon kay Topacio, aabot sa 1.1- billion pesos na buwis ang nawala sa gobyerno dahil sa naturang pagpapalusot.