Sinira ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga produktong walang sertipikasyon sa Engineered Sanitary Landfill sa Lungsod ng San Fernando, La Union kahapon, Oktubre 20.
Layunin ng aktibidad na ipaalala sa publiko ang kahalagahan ng pagsunod sa tamang pamantayan upang matiyak na ligtas ang mga produktong ibinebenta sa merkado.
Ayon sa DTI, ang pagsira sa mga produktong walang tatak ng kaligtasan ay bahagi ng kanilang kampanya laban sa mga delikado at hindi de-kalidad na gamit.
Hinikayat ng ahensya ang publiko na maging mapanuri at palaging pumili ng mga produktong may tamang tatak o sertipikasyon mula sa gobyerno.
Facebook Comments









