Sinisilip na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang posibilidad na payagang buksan ang mga salon at barbershops sa susunod na dalawang linggo.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, tinatayang nasa 400,000 na manggagawa sa nasabing sektor ang naapektuhan ng lockdown restrictions.
Ang mga salon at barbershops ay kailangang mayroong accreditation mula sa lokal na pamahalaan para makapagpatuloy na sila ng kanilang business operations.
Mahalaga aniyang nasusunod pa rin ang health at safety protocols na itinakda ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ilan sa mga safety measures na kailangang sundin ay ang pagkakaroon ng foot baths, temperature check, bibigyan ng alcohol at disinfectant sprays, at plastic barriers.
Magiging single use ang mga towel, customer capes, at gowns.
Hinihikayat din ang mga customer na mag-book ng appointment at magbayad online.