Iniutos ng Department of Trade and Industry (DTI) na suspindihin sa pamamagitan ng Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ang pagbebenta, pag-import, at pamamahagi ng mga produktong vape ng Flava Corporation.
Sa Executive Order No. 913 at Department Order No. 07, Series of 2006, ang Adjudication Division ng FTEB ay naglabas ng Preliminary Order sa paghinto sa kalakalan ng mga produkto ng vape ng Flava Corporation.
Nasa naturang kautusan sa paglabag ng Flava sa Republic Act No. 11900 o Vape Law, partikular ang product communication restrictions kabilang na ang paggamit ng flavor descriptors at mga celebrity.
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, hindi umano uurong ang DTI sa responsibilidad nito na ipatupad ang consumer protection laws o tulungan ang mga lehitimong negosyo na protektahan ang mga consumers.
Samantala, ang suspensyo ay nakaayon sa direktiba ng ahensya pang tuluyan nang mawala ang mga hindi maayos na produkto sa merkado.