Nakakasunod naman ang karamihan sa mga supermarket at iba pang tindahan sa suggested retail price o SRP para sa iba’t ibang produkto.
Sinabi ito ni Department of Trade and Industry (DTI) Usec. Kim Lokin sa Bagong Pilipinas ngayon sa harap ng ginagawa nilang pag-iikot sa iba’t ibang supermarket.
Sinabi ni Lokin, araw-araw silang nagbabantay sa presyo ng mga bilihin at batay sa nakikita aniya nila halos lahat naman ay sumusunod sa SRP.
Sa mga hindi aniya nakasusunod, binibigyan nila ito ng letter of inquiry upang pagpaliwanagin kung bakit hindi nakasusunod.
Paglilinaw naman ni Lokin, na hindi lahat ng produkto o bilihin ay kasama sa SRP.
Pwede aniyang makita ang listahan ng mga produktong nasa SRP sa kanilang website upang maging gabay ng mga mamimili.