DTI, suportado ang mungkahi ng employers’ group na reopening muli ng ekonomiya

Suportado ng Department of Trade & Industry (DTI) ang mungkahi ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na reopening ng ekonomiya upang maiwasan ang nakaambang economic damage & job losses.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DTI Sec. Ramon Lopez na kung gumanda na ang datos ay maaari nang mag-de-escalate o mag-Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Sa pamamagitan aniya nito ay makakabalik na unti-unti sa trabaho ang ating mga kababayan upang maiwasan ang pagkagutom.


Ani Lopez, para sa kaniya ang pagpapatupad ng strict granular lockdown ang solusyon para marami pa rin ang makapaghanapbuhay kasabay ng pagpapanitili sa kaligtasan ng lahat.

Pero ito aniya ay mungkahi lamang at ang Inter-Agency Task Force (IATF) pa rin ang may final say hinggil dito.

Facebook Comments