Natanggap na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang petisyon ng mga grupo ng panadero hinggil sa hanggang apat na pisong dagdag-presyo sa Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.
Ayon sa DTI, pinag-aaralan na nila ito at sinisilip ng pamahalaan na tawaran ang naturang hirit na taas-presyo.
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, magre-request sila sa mga concerned groups na utay-utayin ang apat na piso kaysa sa isang bagsakan upang hindi maging masakit ito sa bulsa ng mga mamimili.
Una nang sinabi ng mga bakers group na sa mga cakes at pastries na lang nila binabawi ang pagmahal ng asukal, mantika at iba pang raw materials na ginagamit sa paggawa ng tinapay..
Sa ngayon, nasa 38.50 pesos ang isang loaf ng Pinoy Tasty habang nasa 23.50 pesos ang kada 10 piraso ng Pinoy Pandesal.