Sinabi ng Department of Trade and Industry o DTI na tinitingnan nila na magbawas ng singil sa mga manufacturer ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay DTI Undersecretary (Usec) Ruth Castelo, ang naturang panukala ay una nang napag-usapan nila ni incoming Trade Secretary Alfredo Pascual.
Aniya, ang mga manufacturer kasi ang nagbabayad ng maraming mga singil kapag ipinadala nila ang mga produkto sa mga nagtitingi.
Paliwanag ni Castelo, kung maipapatupad ang nasabing panukala ay magiging abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.
Kaugnay nito, sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Castelo na masusi nilang pinag-aaralan ang naturang panukala kung saan mayroong tatlong manufacturers ang humiling ng panibagong taas-presyo.
Samantala, pinangangambahan na ring tumaas pa ang presyo ng bigas kada kilo.
Ayon kay Department of Agriculture o DA Undersecretary (Usec) for Policy and Planning Fermin Adriano, inaasahan kasing tataas pa ng hanggang sa anim na piso ang kada kilo ng bigas sa pagtatapos ng taon.