Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi gagalaw ang presyo ng mga bottled water hanggang Mayo.
Ito ay sa gitna na rin ng nagpapatuloy na water shortage.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, siniguro sa kanila ng Beverage Industry Association of the Philippines (BIAP) na walang mangyayaring pagtaas sa mga potable bottled water at mananatiling sapat ang suplay nito.
Malugod naman aniyang tinatanggap ng DTI ang hakbang ng BIAP sa pagsusulong ng social responsibility na makatutulong maibsan ang hirap ng mga konsyumers sa kakulangan ng suplay ng tubig.
Nakatanggap na rin ng ulat ang DTI na may ilang retailers ang nananamantala sa water shortage sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga tao at timba sa mahal na presyo.