Tiniyak ng Department of Trade and Industry sa publiko na may sapat na suplay ng face mask at face shield sa bansa.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nagkakahalaga lamang ng P10 ang face mask sa ngayon habang inanunsyo ng Department of Heath na P26 hanggang sa P50 naman ang bentahan ng face shield.
Kasabay nito, may mga establisyimento nang naisyuhan ng warning dahil sa pagbebenta ng overpriced na face shields.
Kasunod na rin ito ng isinagawang pag-iikot ng DTI para magsagawa ng monitoring sa mga nagbebenta ng face shield.
Binalaan lamang ang mga nagtitinda pero sa sandaling muling makitaan ang mga ito ng paglabag ay maaari nang pagmultahin ng P5,000 hanggang P2 milyon ang mga establisyimento.
Facebook Comments