Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang supply ng processed meat products sa bansa sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.
Matatandaang nagbabala ang Philippine Association of Meat Processors Incorporated (PAMPI) nitong weekend na magtatagal na lamang ng hanggang 15-araw ang kanilang imbentaryo dahil sa pagtaas ng demand at travel restrictions.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, magiging araw-araw na ang kanilang production kung saan mayroon pa ring mga tauhang magtatrabaho at patuloy ang din ang pagdating ng mga materyales.
Hindi aniya magkakaroon ng shortage dahil araw-araw din pinupunan ang supply ng mga produkto.
Paliwanag ni PAMPI Vice President Jerome Ong, numipis ang supply ng karneng de-lata dahil sa nagpanic ang publiko.
Paglilinaw ng DTI na nationwide policy ang unhampered movement ng cargos.