DTI, tiniyak na walang malaking impact sa mga negosyante ang Avian flu outbreak sa mga manok sa Pampanga

Manila, Philippines – Tiniyak ng Dept. of Trade and Industry na hindi magdudulot ng malaking dagok sa mga negosyante ng manok ang Avian flu outbreak sa Pampanga.

Ayon kay Trade Undersecretary Teodoro Pascua, dalawang barangay lang kasi sa San Luis, Pampanga ang apektado ng outbreak.

Gumagawa na rin aniya ng hakbang ang Dept of Agriculture para makontrol ang pagkalat ng Avian flu sa iba pang mga manok sa lalawigan.


Una na ring tiniyak ng DTI na wala pang sapat na dahilan sa ngayon para dagdagan ang karneng manok na ini-import ng Pilipinas.

Facebook Comments