DTI, tiniyak sa Senado na maghihigpit sa mga i-aangkat at gagawing vape at e-cigarettes

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Senado na maghihigpit ang ahensya sa pagsusuri ng mga iaangkat at gagawin sa bansa na vape at e-cigarettes.

Kasunod na rin ito ng pagkabahala ni Senator Pia Cayetano na 55,000 na flavors ng vape ang mahigpit na ipinagbawal ng US Food and Drug Administration (FDA) dahil sa panganib na maaaring idulot nito sa kalusugan ng mga tao.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, nakipag-ugnayan na ang DTI sa FDA ng bansa para sa susunding standards sa testing ng mga vape at e-cigarettes.


Sinabi naman ni DTI Usec. Ruth Castelo na nakabili na rin ng testing equipment para sa mga produkto ang Bureau of Philippine Standards ng ahensya.

Sa ilalim ng bagong batas na E-cigarettes and Vape Law o Republic Act 11900, ang DTI ang magre-regulate at magrerehistro ng mga vape at e-cigarette.

Sa Miyerkules naman ay magkakaroon ng public consultation ang DTI tungkol sa vapes at e-cigarettes.

Facebook Comments