DTI, tutulungan ang mga magsasaka kasabay ng pagsasabatas ng rice tariffication

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang magiging talo ang mga magsasaka matapos malagdaan ang Rice Tariffication Act.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, tutulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka na makipagsabayan sa mga importer ng bigas.

Maliban sa mga punla at pataba, pagkakalooban aniya ng pamahalaan ang mga magsasaka ng mga makabagong kagamitan para mapalago ang kanilang ani.


Sabi pa ni Lopez, malaki ang maitutulong ng bagong batas para mapunan ang kakulangan sa supply ng bigas sa bansa.

Batay sa ilalim ng Rice Tariffication Act, kahit sino ay maaaring mag-angkat ng bigas basta at magbabayad ng taripa ng 35 porsyento.

Facebook Comments