DTI, umaapela sa mga manufacturer na tumalima sa patakarang nakapaloob sa Vape Law

Umaapela ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga distributor, manufacturer, at nagbebenta ng vape na tumalima sa mga patakarang nakapaloob sa Vape Law upang maipagpatuloy ang kanilang pagnenegosyo habang napoprotektahan ang mga kabataan mula sa paggamit nito.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, sa gitna ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga iligal na vape, upang maprotektahan ang mga menor de edad sa paggamit nito, hindi rin umano masaya tuwing mayroong mga establisyimento ang naipasasara dahil isa rin ito sa kabuhayan ng mga nagbebenta o negosyante.

Ang iba aniya, nasa ₱300,000 hanggang ₱500,000 ang kapital ngunit ang violation sa kanilang paglabag ay aabot ng ₱2 milyon.


Kung matatandaan, ilan lamang sa mga ipinagbabawal ng batas ay ang pagbebenta ng flavored vape, na i-engganyo sa mga kabataan na sumubok nito, habang ipinagbabawal rin ang pagbebenta ng vape sa paligid o malapit sa bisinidad ng mga paaralan at unibersidad.

Samantala, nasa ₱3.5 million na halaga na ng iligal na vape ang nakumpiska ng gobyerno kung kaya nagbabala ang mga opisyal na kakasuhan at ipasasara ang mga establisyementong kakikitaan ng paulit-ulit na paglabag.

Facebook Comments