Umaasa ang Department of Trade and Industry (DTI) na hindi mangyayari muli ang taas-presyo sa ilang produkto tulad ng mga gulay.
Ito ay kasunod nang naranasang matinding pagbaha sa Banaue, Ifugao dulot ng walang tigil na pag-ulan.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, kahit anong dahilan na magdudulot ng pagkaantala sa paghahatid o transportasyon sa mga produkto o pagkain ay nakaka-apekto ito sa presyo.
Paliwanag pa ni Castelo, mayroon talagang epekto sa mga nagluluwas ng mga produkto o pagkain at maaaring maidagdag ito sa pinal na consumer prices ng mga produkto.
Gayunpaman, sinabi ni Castelo na sana ay hindi na tumaas pa ang presyo ng mga produkto dahil kung mangyari ito ay dagdag pasakit na naman sa mga consumer.
Una nang inihayag ng Department of Agriculture (DA) na mahigit sa P14 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa Ifugao dulot ng pag-ulan at pagbaha doon.
Nangako naman ang DA na magbibigay sila ng tulong sa mga apektadong magsasaka.