Manila, Philippines – Napapanahon na para magtapyas ng presyo ang ilang manufacturers ng mga pangunahing bilihin
Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez sa halos 200 produkto na kanilang minomonitor, 20 porsyento dito ang nagpatupad ng price increase noong isang taon.
Katwiran kasi ng mga manufacturers, sunod sunod ang oil price hike nuong isang taon na isa sa mga factors kung bakit nila itinaas ang presyo ng kanilang produkto.
Pero dahil ilang beses naring nagpatupad ng bawas singil sa produktong petrolyo, napapanahon na upang ibaba ang presyo ng ilang mga pangunahing bilihin
Tanging ang canned sardines lamang ang hindi magtatapyas ng presyo ayon sa DTI dahil sa mataas ang presyo ng tamban.
Facebook Comments