DTI umapela sa mga negosyante ng bike at laptop na wag magtaas ng sobra sa kanilang produkto

Nakikiusap ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga nagbebenta ng bisikleta at laptop na huwag samantalahin ang sitwasyon upang sila ay makapagtaas ng presyo.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na nauunawaan naman nila ang pinagdadaanan ng mga negosyante na pagkalugi dahil sa 2 buwang lockdown pero hindi aniya ito dahilan para itaas nila ng sobra-sobra ang presyo ng mga nasabing produkto.

Sa ngayon, in demand ang mga bisikleta dahil sa limitasyon sa pampublikong transportasyon.


Habang tumaas din ang demand sa laptops at computer dahil na rin sa alternative work arrangements at sa inaasahang blended learning na ipatutupad ng Department of Education (DepEd).

Babala ni Castelo, maaaring maharap sa kaparusahan ang sinumang mananamantala.

Sakali aniyang may napag-alamang tinaasan nang husto ang presyo ng mga bike at computer ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan at tumawag sa DTI hotline na 1384.

Facebook Comments