DU30, nagbantang muling papatayin si Peter Lim

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin ang suspected drug lord na si Peter Lim.

Una nang sinabi ng Pangulo na sa halip na sumuko si Lim sa mga awtoridad ay magbigti na lamang ito.

Babala ng Pangulo – kapag nakita niya si Lim ay papatayin niya ito.


Nabatid na naglabas ang Makati Regional Trial Court Branch 65 ng kautusan na arestuhin si Lim nitong Agosto ng nakaraang taon matapos makitaan ng probable cause na sangkot siya, ang self-confessed drug distributor Kerwin Espinos at iba pang akusado na sangkot sa illegal drug trading.

Bigo naman ang pulisya na matunton si Lim maging sa dalawa nitong address sa Cebu City.

Facebook Comments