Dual citizen ng TNVS na Uber at Grab, natuklasan ng LTFRB

Manila, Philippines – Inihayag ni LTFRB Spokesperson at Board member Atty. Aileen Lizada na natuklasan ng ahensiya sa isinagawang pagpupulong ng Technical Working Group na mayroon dual citizen ang Transport Network Vehicles Services na Uber at Grab.

Ayon kay Lizada matagal na nilang hinihingi sa TNVS ang tunay na data na bilang ng Uber at Grab dahil natuklasan nila na hindi lang pala 28 libo ang units ng Uber at Grab bagkus ay umaabot pa sa 56 na libong unit dahil sa dual citizens ang iba ay Uber at ang iba naman ay Grab kayat hindi umano eksakto ang bilang ng TNVS.

Sabi ni Lizada, ipinagpaliban ang meeting ng TWG sa July 26 kung saan tuloy pa rin ang panghuhuli sa mga kolurum na Uber at Grab.


Napagkasunduan din aniya sa kanilang ginawang TWG na magbubukas ng koopetatiba ang TNVS para sa Uber at Grab upang mapunan ang kanilang mga pangangailangan kapag sila ay kinakapos sa financial na aspeto.

Paliwanag ni Lizada mahalaga na malaman ng ahensiya ang tunay na bilang ng mga tumatakbong Uber at Grab sa lansangan upang makabalangkas sila ng mga paraan kung papaano maibsan ang matinding trapiko sa Edsa dulot ng naglilipanang Uber at Grab.

Facebook Comments