Naglabas ang Royal family ng patakaran at panuntunan para sa mga nakikipagtalastasan sa kanilang social media channels.
Ito ay matapos makatanggap ng mga mapanira at abusadong komento sa social media sina Meghan, Duchess of Sussex at Catherine, Duchess of Cambridge.
Karamihan sa mga komento ay sexist, habang racist comments naman ang ibinabato kay Meghan matapos maikasal kay Prince Harry noong nakaraang taon.
Dahil dito, nanawagan ang Britain’s Royal family sa mga netizens na magpakita ng respeto, paggalang at kagandahang loob habang nakikipag-interact sa kanilang mga online post.
Nanindigan din ang Royal family na may karapatan silang burahin ang mga komento, i-block ang mga user at isumbong sa pulisya ang sinumang hindi susunod sa kanilang panuntunan.
Ang dalawang Dukesa maging ang kanilang mga asawa na sina Harry at William ay may milyu-milyong followers sa Facebook, Instagram at Twitter.