Mahigit 224 na pato ang ipinamahagi sa ikalawang batch ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Duck Dispersal Program ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City.
Ang mga pato ay ibinigay sa mga Barangay Health Workers (BHW) bilang suporta sa kanilang kabuhayan at pagkilala sa kanilang sakripisyo sa serbisyo publiko.
Bukod dito, ang programa ay alternatibong pagkakakitaan sa mga BHW sa lungsod. Pinangunahan ng lokal na pamahalaan, katuwang ang City Veterinary Office, ang pamamahagi na ginanap sa Slaughterhouse compound ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









